Martes, Agosto 14, 2012

Paggalang sa Awtoridad

    Nakakairita! Nakaka-bwisit! Nakaka-bad trip! Naku, eto na naman sila. Ang mga taong walang respeto sa kinauukulan lalo na sa MMDA na kadalasang binabatikos ng mamamayan. Pero sa pagkakataong ito, nakakaawa ang isa sa kanilang mga tauhan.

    Makikita sa video na ito na kuha ng NEWS5, ang pagduduro-duro at maghampas ng isang motorista sa isang MMDA Enforcer. Di ito ang asal na dapat nating tularan. Alam namin na mataba ang taong ito pero di ito hadlang sa pagpapakain at pagpapataba sa kanya sa pamamagitan ng mga kaso na isasampa sa kanya. Ito dapat ang isabak sa boxing sa Olympics sa 2016!

http://www.youtube.com/watch?v=QNhFqltauQU&feature=player_embedded


http://www.interaksyon.com/article/40433/caught-on-video--motorist-mauls-mmda-enforcer


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento